AHHHHHHH TAYA KA NA!!!!!!!
- sigaw namin noon habang naglalaro ng "Habul-habulan"
.tila nawala na ang mga panahong iyon. Wala na akong nakikitang mga bata na sigaw ng sigaw habang pilit na pinupunas ang sipon sa kanilang mga damit gamit ang kanilang maruruming damit. Wala na rin akong nakikitang mga Nanay na pilit na pinupulbusan ang likod ng kanilang mga munting anghel. WALA na ang masasayang araw kung saan ang mga bata ay pilit na tumatawa kahit na sila'y kinakapos na ng hininga. Wala na ang mu-munting hiyawan ng mga "PASAKAW" sa laro. Mga batang babaeng nagtatawanan habang sinusuklayan si neneng manyika, wala na ang ikot ng trumpo sa palanggana. WALA NA. BATANG JUAN ANO ANG NANGYARI SA IYONG MUNTING LARUAN?
Pilit naming hinahanap ang mga larong tila itinago na ng panahon |
Naalala ko pa noong ako'y nasa elementarya pa lamang mahilig akong sumali sa mga larong tulad ng "Tagu-Tagoan" yun nga lang minsan hindi nila ako nahahanap at ako'y naiiwang nag hihintay sa sulok habang sila'y nag siuwian na pala. Masaya ang mga araw namin noon, pag sabi ng aming titser " O sige Good Bye Class!" eto ang palagi naming sagot "See You on Wednesday (or kung ano pang araw siya babalik)" sabay kuha ng trumpong yari sa kahoy ng bayabas at sabay kuha rin ng mga manyikang papel.
Mga Manyikang Yari sa Papel na dati naming pinaglalaruan |
Pakatapos naman ng klace ay tutungo na kami sa bahay para mag palit ng maruming uniporme na lalabhan pa ni inay. Pakatapos naming kumain ng isnak ay tutungo na kami sa bahay ng aming kapit-bahay. Doon kami'y babatiin ng mga magulang ng aming mga kalaro at sabay sasabihang "Ineng huwag kayong masyadong mag pagod ha." Mag lalaro na kami ng mga pagkaing gawa sa dahon at pulbos. Bahay-bahay gamit ang karton at piktyu-piktyuran gamit ang karton ng posporo.
Ang mga batang lalaki naman ay iba rin ang nilalaro. Kapag sila'y nag uwian na mula sa iskwela kukunin na nila ang kanilang mga tsinelas at tatawagin na ang kanilang mga kalaro. Ihahanda na rin nila ang latang kalawangin at sisimulan na ang pag pili ng taya. Ito ang paborito kong laro, ang walng kupas na TUMBANG-LATA. walang makakatalo sa laro na ito. kahit pa siguro ang mga pinakamatatandang bata ay alam ang larong ito. Kung ikaw ay isang Batang Pinoy ay dapat alam mo ang larong ito.
Ang Walang Kamatayang Laro- TUMBANG LATA |
Naaliw talaga ako tuwing ako'y umuuwi sa aming probinsya. Tila hindi pa nakakalimutan ng kabataan roon ang mahalagang pamana ng ating lahi. Habang tinitingnan ko silang tumatawa at nagpapalak-pakan sa tuwa ay di ko maiwasang ako'y mapaluha habang iniisip "Ano na ba ang nagyari kay Juan?".
Matapos ang ilang henerasyon naipakilala kay JUAN ang makabagong mundo ng TEKNOLOHIYA. Nakilala na niya ang kaniyang kalaban at ito ay si "KATAMARAN". Tila kahit saan ako lumingon ay may nakikita akong mga batang sakitin na nasa mga maalinsangang COMPUTER SHOP habang nag sisigawan ng kung anu-anong mura kapag sila'y natatalo sa kanilang nilalaro. Sa mga magulang Huwag ho kayong magulat kung ang anak niyo ay nagiging adik na sa computer games na iyan. Yan na ho ang bagong JUAN. Pagkagising sa umaga, kakain, maliligo, mag aayos ng sarili, hihingi ng pera sa mga magulang, magpapaalam na sila'y papasok na sa paaralan, sabay takbo tungo sa komputer syap sa may kabilang kanto.O bakit Juan, hindi ito ang iyong kapalaran.
Si Batang JUAN habang naglalaro gamit ang makabagong teknolohiya |
Araw- araw ay ganito ang nakikita ko. May nakita pa nga akong batang sinisigawan pa ang kanyang ina dahil sa pag sugod nito sa kanya sa computer syap. WALA NA. Wala na ang lahat. Nasan na ba ang tawanan ng mga munting anghel? Ang mga masasayang mukha ng mga magulang habang pinagmamasdan nila ang kanilang mga anak na naglalaro. WALA na. Oo nga't ang teknolohiya ay isang hudyat ng pag-unlad, pero kung ang kapalit nito ay ang kapalaran ng mga batang musmos. Huwag nalang. Ika nga ni Doktor Jose Rizal "Ang Pag-asa ng Bayan." Kung teknolohiya ang ipagpapalit natin dito ano nalang ba ang aasahan natin sa kinabukasan?
MATALINO ka BATANG JUAN. Ang buhay ay hidi tulad ng laro- WALANG nag ta-TIME OUT dito.
Kaya ito'y pag isipan mo ng mabuti.
No comments:
Post a Comment